^

PSN Showbiz

Aiai, naniniwala pa rin sa pag-ibig

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aiai, naniniwala pa rin sa pag-ibig
AiAi delas Alas

Mula nang nagkahiwalay noong Oktubre ay hindi na muling nagkausap pa sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan. Noong Nobyembre ay naibahagi ng aktres sa publiko ang tungkol sa naging problema nila ng mister kaya tuluyang nagkahiwalay. “Of course, ama, no,” masayang bungad sa amin ni AiAi sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

“I refused to, from the time na ‘yung sinabi niya ‘yon sa akin, hindi na ako nakipag-communicate sa kanya. Nakikipag-communicate ako sa kanya through some people like my son-in-law, ganyan. Tapos ‘yung mga ibang tao, pero ako, direkta, no,” pagtatapat ng aktres.

Matatandaang marami ang bumatikos kay AiAi noong magpakasal kay Gerald noong 2017. Natutunan na lamang umano ng komedyana na dalhin ang mabibigat niyang suliranin sa paglipas ng mga taon. “Ngayon na lang ama, natutunan ko na. Kasi the last time, no’ng second husband ko, dinurog ako ng buong bayan. Kasi nabigla din ako no’n eh, pero lumaban ako eh kasi masakit. Ngayon hindi naman pala kailangan na ang laban ay maingay. Pwede naman palang mahinahon lang and tatanggapin mo and graceful exit,” makahulugang paliwanag niya.

Sa katatapos lamang na taon ay mayroon umanong natutunan ang komedyana sa buhay. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga mahal sa buhay na nakapaligid sa kanya sa gitna ng mga pinagdaraanan. “To love myself more. Sa isang babae kahit durog, intact ‘yung dignity mo.  Everyday prayers, prayers, prayers to the maximum level. Tapos mga kaibigan kong totoo, anak ko nandiyan. Ikaw nandiyan, and mga luma kong kaibigan nandiyan lahat,” pagbabahagi ng aktres.

Kahit nakaranas muli ng hiwalayan ay naniniwala pa rin umano si AiAi sa pag-ibig o pagmamahal. “Yes, ama, kasi ang pag-ibig naman maari mong ibigay sa maraming paraan. Pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa Panginoon, pag-ibig sa Mahal na Ina, pag-ibig sa mga anak, sa mga kaibigan. I still believe in love,” giit ng komedyana.

Enrique, kakarerin na ang pagpo-produce

Magtutuluy-tuloy na sa pagiging producer si Enrique Gil ngayong taon. Pag-aari ng aktor ang Immerse Entertainment na isang production company. Bukod sa pagiging pangunahing bida ay naging producer din si Enrique ng mga pelikulang I Am Not Big Bird at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital noong nakaraang taon. Hinding-hindi raw tatalikuran ni Enrique ang pag-arte sa harap ng kamera kahit abala na rin sa pagiging prodyuser. “I’m not naman saying goodbye. I’m not saying I’m closing my doors. I think there’s a time and place for everything. This time, I really want to focus on different genres I’ve never done before. Para masasabi ko when I get old, at least I was able to do everything. So, for now, I’m just really enjoying and playing around with different concepts and characters. I’m just having fun,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Pinaghahandaan na ngayon ng binata ang isang serye na kanyang pagbibidahan. Si Enrique raw mismo ang nakaisip ng konsepto ng bagong proyekto. “Actually, I have one show coming up with ABS-CBN, co-production. It’s my concept, ako ‘yung nag-pitch sa ABS-CBN and super natuwa ako na talagang nagustuhan ni Tita Cory (Vidanes) and they greenlit the project. TV series, co-production ko ito and I’m super excited. We’ll be shoo­ting in Europe but more details to follow pa,” pagbabahagi ng aktor. — Reports from JCC

ACTRESS

AIAI DELAS ALAS

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with