^

PM Sports

Bill Jordan kumutitap sa MARHO Breeders’ race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang Bill Jordan matapos sikwatin ang panalo sa MARHO Breeders’ 3-Year-Old Colt Mile na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Nagbanatan sa unahan ang Spolarium at King James sa largahan habang pinanood lang ito ng Bill Jordan na sinakyan ni jockey Andreu Villegas.

Naging mainit ang labanan ng Spolarium at King James sa kalagitnaan ng karera pero habang papalapit sa far turn ay kumukuha ng bandera ang huli habang ang Bill Jordan ay nanatili sa pa­ngatlo at nasa pang-apat ang Authentikation.

Pagka-agaw ng unahan ng King James ay umu­usad na rin ang Bill Jordan at saka nagkapanabayan ang dalawa sa huling kurbada.

Bakbakan ang King James at Bill Jordan sa rektahan at sa huling 100 metro ng karera ay umu­ngos na ang winning horse.

Tinawid ng Bill Jordan ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang King James, pangatlo ang Spolarium habang pang-apat ang Authentikation.

Nirehistro ng Bill Jordan ang tiyempong 1:41.4 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Benjamin Abalos Jr. ang P600,000 premyo.

Nakopo ng King James ang P225,000 habang P125,000 at P50,000 ang third at fourth placers na Spolarium at Aunthentikation, ayon sa pagkakasunod.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with