Finals rematch ng GSM at TNT magiging madugo -- Cone
MANILA, Philippines — Kung tinapos ng TNT Tropang Giga ang Barangay Ginebra sa Game Six noong nakaraang Season 48 PBA Governors’ Cup Finals, posibleng umabot sa Game Seven ang kanilang finals rematch ngayon.
Ayon kay coach Tim Cone ng Gin Kings, sobra-sobrang hirap ang kanilang pinagdaanan para muling makapasok sa best-of-seven championship series.
At hindi sila papayag na muling talunin ng Tropang Giga sa pagkakataong ito.
“We worked so hard to be at this point and now it’s almost a do-or-die and it’s gonna be really disappointing for us as an organization if we don’t win this but if we do we will be really ecstatic,” wika ni Cone kahapon sa PBA Finals press conference sa Atrium sa Enderun College sa Taguig City.
Nakatakda ang Game One sa Linggo sa Ynares Center sa Antipolo City.
Sinibak ng TNT ang Rain or Shine, 4-1, habang pinatalsik ng Ginebra ang San Miguel, 4-2, sa kani-kanilang best-of-seven semifinals showdown.
“I think in the end, magkakatalo iyon how the players execute and how the teams are able exert their own style of play,” wika ni Tropang Giga mentor Chot Reyes.
Muli ring magtutuos sina imports Justin Brownlee ng Ginebra at Rondae Hollis-Jefferson ng TNT sa ikalawa nilang sunod na PBA Finals matchup.
Samantala, inihayag nina PBA chairman Ricky Vargas at vice chairman Alfrancis Chua na ang lahat ng mabebentang tiket sa Game One ay kanilang ibibigay sa mga biktima ng bagyong ‘Kristine.
“Nag-usap kami ni Commissioner (Willie Marcial), chairman (Vargas), we decided ‘yung Sunday’s game, ‘yung proceeds no’n lahat ido-donate namin. Lahat ‘yon,” sabi ni Chua.
Patuloy ang pananalasa ng bagyong ‘Kristine’.
- Latest