Ex-DBM official na sangkot sa Pharmally mess, timbog sa Davao
MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dating executive director ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) na si Lloyd Christopher Lao.
Ayon kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco, nadakip si Lao dakong alas-11 ng umaga kahapon, Setyembre 18 sa Ecoland sa Davao City.
Kinasuhan si Lao ng graft kaugnay ng umano’y ilegal na paglilipat ng pondo para sa COVID response.
Dinakip si Lao sa bisa ng warrant of arrest sa nasabing kaso na inilabas ni Hon. Maria Theresa V Mendoza-Arcega, chairperson ng Sandiganbayan First Division sa Quezon City na may petsang September 12, 2024.
Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Region 11 si Lao para sa documentation.
Umaasa ang mga awtoridad na ibubunyag ni Lao ang utak sa Pharmally mess.
- Latest