Yulo natanggap na ang P5 milyon mula sa Arena Plus
MANILA, Philippines — Tumataginting na P5 milyon ang dagdag sa humahabang listahan ng pabuya ni Golden Boy Carlos Yulo matapos pormal na tanggapin ang regalo ng DigiPlus at Arena Plus kahapon sa Cinema 11 ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.
Mismong si DigiPlus chairman Eusebio Tanco ang naggawad ng parangal kay Yulo matapos ang makasaysayan nitong dalawang gintong medalya sa katatapos lang na Paris Olympics.
“I’m deeply grateful to DigiPlus and Arena Plus for their unwavering support,” ani Yulo na kasama rin sa okasyon si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, at sa “Astig Ka, Carlos” media event ng DigiPlus at Arena Plus.
“Success does not come overnight. It’s made possible by with the support of those who believe in you. I’m honored to have incredible partners by my side as we chase dreams for the Philippines.”
DigiPlus, ang fastest-growing digital entertainment company sa Pinas, at Arena Plus bilang sports entertainment app, ang nagsilbing isa sa major sponsor ni Yulo sa kanyang preparasyon sa Olympics bilang brand ambassador nito.
Kasabay ng pagbibigay ng kanyang pabuya, ni-renew rin ng mga naturang sports patron ang partnership kay Yulo bilang suporta sa kanyang paghahanda sa 2028 Los Angeles Olympics.
“DigiPlus is immensely proud to support champions like Carlos, whose relentless pursuit of excellence embodies the spirit of the Filipino people,” ani DigiPlus chairman Eusebio H. Tangco kasama si Arena Plus president Rafael Jasper Vicencio.
- Latest