^

Bansa

Pag-aresto kay dating pangulong Duterte, legal - law experts’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Iisa ang posisyon ng apat na Filipino legal experts hinggil sa utos ng International Criminal Court’s (ICC) na arestuhin si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa kinakaharap niyang kasong may kaugnayan sa ‘crimes against humanity.’

Ayon sa apat na kilalang mga legal experts na sina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ICT Senior Associate Ruben Caranza, da­ting ICC judge Raul Pangalangan, at rights lawyer Ted Te, “legal” at “warranted” ang pag-aresto sa dating pangulo.

Anila, ang gobyerno ng Pilipinas ay sumunod lamang sa proseso sa ilalim ng Republic Act No. 9851, o ang “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.”

Ang pagdakip anila kay Duterte ay salig sa Article 17 ng Rome Statute, kung saan ang Pilipinas ay pinapayagan na direktang isuko ang isang indibidwal sa ICC dahil sa pagkakasangkot sa international crimes.

Samantala si Atty. Joel Butuyan, na isa sa mga abogado na kinikilala ng ICC, ay suportado rin ang naging proseso ng pag-aresto kay Duterte at sinabing lehitimo ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas kahit pa nag-withdraw na noon ang bansa ng ICC membership.

Ayon kay Butuyan, noong inaresto si Duterte ay naipaliwanag sa kaniya ang kaniyang karapatan at naroroon din naman ang kaniyang abogado.

Sinabi ni Butuyan na hindi rin ino­obliga ng ICC ang pagkakaroon ng physical warrants kapag ginagawa ang pag-aresto lalo at ang institusyon ay gumagamit ng electronic documentation, kahit sa panahon ng paglilitis at proceedings.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with