3 lugar, dumanas ng mapanganib na init ng panahon

MANILA, Philippines — Nakaranas ng “danger” category ng heat index ang tatlong lugar sa bansa kahapon, batay sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, ang heat index ay nasa dangerous level na 42°C sa Dagupan City, Pangasinan; Basco, Batanes; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur. Ang Dagupan City ay may limang araw na kahapon na dumaranas ng kaparehong heat index.
Sa ilalim ng “danger” category ng heat index ay ang init factor sa katawan sa pagitan ng 42°C hanggang 51°C na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke kung matagal na nakabilad sa init ng araw.
Nagtala ng 41°C heat index kahapon sa Virac (Synop), Catanduanes; BU-Guinobatan, Albay, Roxas City, Capiz, Catbalogan, Western Samar at Borongan, Eastern Samar. Nasa 40°C heat index sa Laoag City, Ilocos Norte; Legazpi City, Albay; Masbate City, Masbate; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar; Guiuan, Eastern Samar, at Cotabato City, Maguindanao.
Nasa 39°C heat index sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City, Maynila, Iba, Zambales, Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City, Aborlan, Palawan, Cuyo, Palawan Tacloban City, Palawan.
Naitala naman ang 38°C heat index naman sa Tuguegarao City, Cagayan,Ambulong, Tanauan, Batangas, Infanta, Quezon, San Jose, Occidental Mindoro, Daet, Camarines Norte, Mambusao, Capiz, Iloilo City, Iloilo, La Granja, La Carlota, Negros Occidental, Dumaguete City, Negros Oriental at Hinatuan, Surigao del Sur.
- Latest