Vic, nadamay lang ba?
So tinuluyan na ni Bossing Vic Sotto na kasuhan si Darryl Yap ng kasong 19 counts of cyber libel sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Ang tanong, bakit kaya ang nananahimik na si Vic Sotto ang napupuntirya? May netizens ang nagtatanong din, si Imee Marcos nga ba ang producer nitong pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma? If so, bakit?
Ang tanong ng ibang netizens: bakit, tatakbo bang Presidente si Tito Sotto at threat ito sa mga tao? Hindi ba kaya si Vico Sotto rin ang collateral damage nito?
Ang daming tinatamaan sa gawaing ito – pero hindi ba ito ang gusto ng creators – na maging maingay at kontrobersyal ang pelikula? Hindi ito aassurance rin na panonoorin at gagastusan ng mga audience ang pelikula ha. Wait and see tayo sa kahihinatnan nito.
Dagdag na tanong: nakatakda kasi sa February ang showing ng pelikula, since may kaso itong hinaharap sa korte, ibig bang sabihin hindi muna rerebyuhin ng MTRCB dahil baka “sub judice?”
Hindi ba, ganoon ang naging dahilan kaya hindi maipalabas ang Lost Sabungeros sa ordinaryong sinehan o kahit sa TV man lang dahil may existing nang kaso, at hindi muna pwedeng rebyuhin ng MTRCB? Ganu’n ba ‘yun?
Dennis, inaabangan kung may ipapakitang bago
Lubos na nagpapasalamat si Dennis Trillo sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa pelikulang kino-produce niya na Green Bones. Sa pag-angat ng ranking ng pelikula sa topgrossers, nakatulong din talaga ang awards na napanalunan nito kaya nananatiling nasa sinehan pa rin. Ang sabi ni Dennis, “Hindi biro ang gumastos ngayon para manood ng sine…kaya maraming salamat po sa lahat ng nakapanood ng mga entries ngayon taon ng MMFF. Buhay po ang industiya dahil sa inyo, muli maraming salamat po. May isang linggo pa po para makapanood sa mga hindi pa nakaka nood.”
Ang tanong, kasing ganda rin kaya ng Green Bones ang susunod na pelikula ng Metro Manila Film Festival Best Actor na si Dennis Trillo? Sana!
Jolina, hopia sa MB
Hopia pa rin talaga si Jolina Magdangal na magkakaroon ng fresh episodes ang Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay. Mula nang hindi na ito naipapalabas sa TV5, lagpas isang taon na ng puro replay episodes ang pinapalabas sa nasabing programa na hanggang sa kasalukuyan ay umeere pa rin at tila walang katiyakan kung magkakaroon pa ito ng bagong episodes.
Hanggang kailan kaya magiging ganito? Sayang kasi may portion buys pa nga raw na pumapasok. Ang sabi tuloy ni Jolina, “Nagho-hold on kami na sana mayroon pa.”
Sana meron meron pa nga! Pero hanggang kailan kaya sila maghihintay? Sabi nga ng kanta, Sana’y maghintay ang walang hanggan.
Nakakataquote:
“Ako’y nanahimik, wala naman akong sinasagot. Eto na po ‘yun. Eto na po ang reaksiyon ko. Sabi ko nga ito ang walang personalan ito. I just trust in our justice system. Ako ay laban sa mga iresponsibleng tao, lalo na pagdating sa social media.”
–Vic Sotto on the cyber libel case he filed against DIrek Darryl Yap
- Latest