^

Metro

Kaya may P3 bilyong ‘funds surplus’ budget sa gamot, edukasyon ng Pasigueños, tinipid - advocacy group

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinipid umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang badyet ng lungsod para sa social services kabilang ang health care at edukasyon kaya nagkaroon ito ng mataas na budget surplus na hindi naman ikinagalak ng mga residente.

Ayon kay Ram Cruz ng  Tindig Pasig, lumitaw sa  ulat na umabot umano sa P3.024 bilyon ang pondong sumobra o surplus funds ng Pasig City na sinundan ng Lungsod ng Maynila na may funds surplus na P3.003 bilyon. Ang naturang surplus funds ay ang galing sa sumobrang pondo mula sa kinita ng local government unit matapos maiawas ang kabuuang mga gastusin. Sinabi ni Cruz na madalas ang hinaing ng mga Pasigueño sa kakulangan ng mga gamot sa mga ospital at health care centers na nasa ilalim ng pangangasiwa ng City Hall, kawalan ng mga medical equipment, at maging ang mga nabibinbin na schools supplies at iba pang ayuda sa mag-aaral na mga batang Pasig.

Matatandaang bu­magsak ang Pasig City sa ika-9 na pwesto mula sa ika-6 nitong ranggo noong 2019 sa nakaraang 2024 Rankings of Highly Urbanized Cities sa ilalim ng Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of Trade and Industry. Malaki umano ang naging kontribusyon ng kategoryang government efficiency sa nasabing rankings na kinabibilangan ng government services tulad ng health services, peace and order, school services, at social protection.

Ang mataas na budget surplus ng LGU ay sumasalamin umano ng pagtitipid ng alkalde upang mapag-ipunan ang ipinatatayo nitong bagong Pasig City Hall complex na nangangailangan ng paunang pondo na higit P9.6 bilyon.

VICO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with