^

PM Sports

Cardinals amoy na ang NCAA crown

Russell Cadayona - Pang-masa
Cardinals amoy na ang NCAA crown
Pinasok ni Cardinals star Clint Escamis ang depensa ng Blazers sa Game 1 ng NCAA Finals.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Dinomina ng Mapua University ang College of St. Benilde, 84-73, sa Game One ng NCAA Season 100 men’s basketball championship series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpaputok si reigning MVP Clint Escamis ng game-high 30 points bukod sa 4 assists at 5 steals para ibigay sa Cardinals ang 1-0 lead sa kanilang best-of-three titular showdown ng Blazers.

Nag-ambag si JC Recto ng 15 markers, 3 rebounds at 2 assists habang may 9 points at 9 boards si Chris Hubilla.

“Siyempre, masarap sa pakiramdam na nanalo, pero the job is not yet finished,” wika ni Escamis.

Maaari nang walisin ng Mapua ang St. Benilde sa Game Two sa Sabado sa Big Dome at tapusin ang 33 taong pagkauhaw sa NCAA crown.

“Mas kailangan talaga naming puliduhin iyong game plan namin, lalo na sa mga outside scorers nila and iyong mga guards nila na slashers,” dagdag ni Escamis sa Taft-based team.

Maagang nag-init ang mga kamay ni Escamis nang bumanat ng 22 points sa first half kung saan inilista ng Cardinals ang 26-13 bentahe sa first period bago nakalapit ang Blazers sa halftime, 37-42.

Sa likod ni Allen Liwag ay nakadikit lalo ang St. Benilde, huling nagkampeon noong 2000, sa 43-44 sa pagsisimula ng third quarter.

Ngunit isang 11-3 atake ang ginawa ng Mapua sa pangunguna nina Escamis, Recto at Jabonete para muling makalayo sa 55-46 sa 3:38 minuto nito.

Tuluyan nang kumawala ang Cardinals sa fourth canto sa pagtatala ng 77-67 kalamangan sa hu­ling 1:26 minuto matapos ang jumper ni Mangubat.

 

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with