Malacañang sa publiko: Iwasan na ang pagyosi
MANILA, Philippines — “Iwasan ang paninigarilyo.”
Ito ang panawagan ng Malakanyang sa publiko at bilang pakikiisa sa paggunita sa No Tobacco Day.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nito na batid ng publiko ang masamang epekto ng sigarilyo sa katawan.
“Pangalagaan natin ang ating kalusugan at hikayatin ang ating mga mahal sa buhay na ingatan din ang kanilang pangangatawan. Paalala, ang paninigarilyo ay nakakasama, ‘di lamang sa ating katawan, kundi pati na rin sa mga nakalalanghap ng usok mula rito,” pahayag ng PCO.
Base sa talaan ng Lung Center of the Philippines, 321 ang karaniwang bilang ng mga Filipino na namamatay kada araw dahil sa sigarilyo.
- Latest