Abalos, naghain ng solusyon para mapababa ang kuryente

MANILA, Philippines — Isinusulong ni dating Interior secretary at senatorial candidate Atty. Benhur Abalos, Jr. na alisin ang buwis sa petrolyo na direktang ginagamit sa power generation upang mapababa ang presyo ng kuryente:
Ang hakbang ayon kay Abalos ay para makahikayat ng mga manufacturing firms at lilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sa harap ng isang grupo sa ‘vote-rich’ province ng Cavite, sinabi ni Abalos na ang murang kuryente ay susi sa pagpapalakas ng manufacturing industry.
Ang Cavite ay tahanan sa humigit-kumulang 55 na economic zones at industrial estates sa ilalim ng PEZA.
Binigyang-diin ni Abalos na ang murang kuryente ay susi sa pagpapalakas ng manufacturing industry.
“Kung gusto mong dumami ang trabaho, kailangan marami kang factories, marami kang negosyo,” sabi ni Abalos. “Kaya ito ang sinasabi ko noon pang 2005 — tutol ako sa VAT sa kuryente,” dagdag ni Abalos.
Nangako si Abalos na magiging tagapagtaguyod ng batas na alisin ang value-added tax (VAT) sa kuryente at mga buwis sa petrolyo na ginagamit lamang para sa paglikha ng kuryente, sakaling mahalal sa Senado.
- Latest