^

Bansa

Manindigan ‘wag padala sa baluktot na paniniwala

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Pangulong Marcos sa mga sundalo

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo na magsilibi sa bayan ng may integridad sa gitna ng mga kahirapang nangyayari sa kapaligiran.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng 128th founding anniversary ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig.

Sinabi ng Pangulo, na hindi sapat ang ­pagiging matapang at mahusay na sundalo, sa halip ay kailangan pa rin ang paninindigan at hindi dapat magpadala sa baluktot na paniniwala.

Bukod dito, kailangan aniya na mangibabaw ang kapakanan ng sambayan at hindi ang pansariling interes lang tungo sa pagkakaisa at mapayapang bansa.

“Sa panahon ngayon, hindi sapat ang tapang at husay ng isang sundalo. Kinakailangan ang ­paninindigan, hindi natitinag sa harap ng pagsubok, prinsipyong hindi nababaluktot ng takot o pangamba, at ang pusong laging handa maglingkod ng tapat at walang hinihintay na kapalit,” pahayag pa ni Marcos.

Muli rin pinaalala ng Pangulo kung bakit piniling magsilbi, at ito ay hindi para sa sarili kundi para sa mga susunod na henerasyon at mapanatili ang kanilang kaligtasan.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with