^

True Confessions

Hiyasmin (174)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

KINAGABIHAN, hindi ma­pakali si Hiyasmin. Hindi niya malaman ang gagawin. Ngayong gabi ang ipinangako ni Dax na pupuntahan siya sa kuwarto para sabihin ang hindi na­sabi ng nakaraang gabi. Talaga raw sasabihin na ni Dax. Binantaan kasi niya si Dax na hindi kakausapin kapag hindi nito tinupad ang sinabi.

Palakad-lakad sa kuwarto si Hiyasmin.

Ano kaya oras pupunta si Sir Dax?

Baka hatinggabi na naman?

Sabagay kaya naman niyang hintayin kahit mada­ling araw ito pumunta. Basta ang mahalaga ay masabi nito ang ipagtatapat.

Ano kaya yun?

Baka naman magtatapat na sa kanya?

Iyon ang palagay ni Hi­yasmin. Naniniwala siya sa sinabi ni Nanay Julia, na na­hihiya lang si Dax na magtapat pero darating din ang oras na magtatapat ito ng pag-ibig.

Ang hindi ma­limutan ni Hiyas­min ay nang sa­bihin ni Nanay Julia, na siya na raw ang bahala sa mga gagawin.

Hindi niya sure kung ang ibig sabihin ni Nanay Julia ay siya na ang gumawa ng “first move” para matuloy na ang lahat.

Kaya ba niya iyon?

Napangiti  si Hiyasmin. Di ba’t ginawa na nga niya minsan? Iyon ay nang matulog siya nang walang bra at pumasok si Sir Dax.

Pero masyadong gentle­man si Sir Dax at hindi pinakialaman ang inihahain niyang mga “fresh papaya”.

Ngayon kaya niya gawin ang sinasabi ni Nanay Julia. Siya na mag-first move.

Isinuot ni Hiyasmin ang manipis na pantulog. Hindi na siya nag-bra at hindi na rin nag-panty.

Gagawin niya ang pakiusap ni Nanay Julia na siya na ang gumawa ng paraan. Alam na niya ang ibig sabihin ng matanda. Talagang gusto siyang maging manugang ni Nanay Julia.

Ngayon napatunayan ni Hiyasmin na lahat ay gagawin ng ina alang-alang sa anak. Kaya naman mahal din niya si Nanay Julia.

Nagwisik ng pabango si Hiyasmin. Handa na siya sa pagdating ni Sir Dax. Kung anuman ang sasabihin nito sa kanya, bahala na. Pero ang hula talaga niya, ipagtatapat nito na “mahal siya”.

Sumapit ang alas dose ng hatinggabi.

Wala pa si Sir Dax. Bakit kaya?

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with