^

Probinsiya

Team Albay aayuda sa mga biktima ng bagyong Pepito sa Catanduanes

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Team Albay aayuda sa mga biktima ng bagyong Pepito sa Catanduanes
This handout photo released on November 17, 2024 through the courtesy of John Marshal Aquino Facebook page shows residents walking past destroyed houses in Panganiban town, Catanduanes province, after Super Typhoon Man-yi hit the province.
AFP / John Marshal Aquino

MANILA, Philippines — Upang madaliang maghatid ng ayudang “relief, medical, water sanitation, communications, agriculture rehabilitation and psychosocial interventions mission” sa Catanduanes na matinding binugbog at sinalanta ng mabangis na bagyong Pepito ay muling binuhay ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Sarte Salceda ang kanyang dating premyadong Team Albay ng Team Albay Youth Organization (TAYO). Ang TEAM Albay ay isang “humanitarian and disaster relief mission” na pinasimulan noong 2007 ni dating Albay Governor Salceda.

Ito ang kauna-unahang malawakan o “fully integrated disaster ­response mission” na dumating sa Tacloban City matapos itong salantain ni “super typhoon” Yolanda noon. Ang misyon naman nito ngayon ay ang mga bayan ng Pandan, Panganiban, Gigmoto, Caramoran, Bagamanoc at Viga sa hilagang bahagi ng Catanduanes kaya pinangalanan itong “Oplan PaPaGCaBaVi.”

Binugbog at sina­lanta ni Bagyong Pepito ang 269 barangay sa 11 bayan ng ­Catanduanes, at bumiktima sa mga 38,000 pamilya na binubuo ng 133,426 katao.

“Malawakang sina­lanta ni Pepito ang Ca­tanduanes at iniwan nito ang miserableng kalagayan ng mga mamamayan ng lalawigan kaya sapilitang dapat naming damayan ang mga kapwa naming Bikolano,” madiing pahayag ni Salceda.

CATANDUANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with