^

Dr. Love

Nagka-gf online

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Migs na taga-Taguig. Nagka-girlfreind ako online. Nakilala ko siya kaka-search ng mga dating site. Noong una, ilag ako kasi baka manloloko lang.

Sabi ng kapatid ko, tigilan ko na raw baka kung anong klaseng tao pa ang makilala ko. Hindi ako nakinig sa kanya, tuloy pa rin ako sa pag-search.

Hanggang may nakita akong site na halos mga Pilipino lang ang nagse-search. Mula sa letter A to Z sana ang gagawin kong pagse-search pero nag-decide akong pumili na lang na ang pangalan ay talagang Pilipina ang dating, Marikit.

At meron nga! Kaya sinubukan ko siyang i-chat.

Sa una, nagkakabolahan pa kami. Pero nang may mabanggit akong mahilig ako sa music, hilig din pala niya ‘yun.

Kaya naging madalas ang aming tsikahan online.  Saka ko ini-reveal ang sarili ko.

Nakakatuwa lang dahil magpo-four months na kami.

Enjoy naman kasi, kaya nga gusto ko na nang magkita kami ng personal. Pero parang ayaw pa niya dahil baka raw hindi ako magandahan sa kanya.

Hindi ko po alam kung talagang seryoso siya sa pagiging “kami” o baka talaga-ng hanggang online na lang kami.

Migs

 

Dear Migs,

Huwag kang masyadong mag-alala kung ayaw pa ng girl na mag-meet kayo. Una, talagang delikado pa.

Pangalawa, baka talagang hindi pa siya ready sa relationship na lantad.

Pangatlo, baka tulad mo ay nag-aalala siyang lolokohin mo lang siya.

Kaya mabuti na hayaan mong siya na ang mag-aya na puntahan mo siya sa kanilang bahay o magkita kayo. Mahirap kasi kung ipipilit mo ang hindi niya gusto. Simple lang ang gawin mo, iturin mo muna siya gaya ng isang matalik na kaibigan at hayaan mong mapatunayan niyang tunay ang intensiyon sa kanya.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with