^

Police Metro

PNP, inaayos na ang pagbabalik kay Guo sa Pinas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinisimulan na ng Philip­pine National Police (PNP) ang koordinasyon sa Philippine Embassy sa Indonesia para sa pagpapabalik sa sinibak na si dating Tarlac, Bamban Mayor Alice Guo.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo, nakikipag-usap na sina Interior and Local Governmennt Secretary Benhur Abalos at PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa Philippine Ambassador upang mapabilis ang pagpapabalik kay Guo sa bansa.

Sinabi ni Fajardo na naaresto si Guo nitong Martes ng gabi sa Sandana Park Residences sa Tangerang City, Indonesia at ngayon ay nasa kustodiya ng Jakarta Interpol.

Ang pagkakaaresto kay Guo ay bunsod ng koordinasyon sa Indonesian National Police sa ilalim ng 2017 Memorandum of Agreement upang masawata ang anumang uri ng transnational crime.

Sa pagbabalik ni Guo sa bansa, ilan sa mga kasong haharapin nito ay ang quo warranto petition, tax evasion at human trafficking.

Nag-ugat ang kaso sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

Matatandaang Agosto 23, nang maaresto naman sina Lucky South 99 incorporator Cassandra Ong at kapatid ni Guo na si Shiela Guo, sa Indonesia na agad na pinadeport sa Pilipinas.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with