^

Freeman Cebu Lifestyle

Buwan ng Wika Special

- Impong Elyang - The Philippine Star

CEBU, Philippines - Nabanggit na natin noong nakaraang Huwebes na mahalagang balikang-aral ang ilang salita upang nagagamit nang angkop sa pangungusap at sa pagpapahayag.

Sa pamamagitan ng siping may pamagat na "Masining na Pagpapahayag," akda nina Dr. Veronica Abangan, Dr. Orlando Magno, Raquel Bercero at Romana Gera, na nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng wikang Filipino, narito pa ang ilan sa salitang namamali ang gamit sa pangungusap:

1. Putulin, putulan

Ang putulin (to stop) ay paghinto sa isang bagay o nakagawian na. Ito'y hindi nakikita subalit nadarama. Ang putulan (to cut) ay pagputol sa isang bagay. Ito'y ginagamitan ng instrumentong pamputol, gunting o kutsilyo.

Halimbawa: Putulin mo na ang iyong masamang bisyo.

Putulan mo ang mabahang buhok ni Neil.

2. Raw, daw

Ang raw (kalakip na ang rin, roon, rito, riyan, rine) ay ginagamit kapag ang salitang susundan nito ay nagtatapos sa patinig at malapatinig (w at y). Ang daw naman (kasama na and din, doon, ditto, diyan, dine) ay ginagamit kapag ang salitang susundan nito ay nagtatapos sa katinig.

Halimbawa: Sasama (patinig na A) raw sa iyo si Jen papuntang Maynila.

Araw-araw (malapatinig na W) rin si Elyang na naglalaba sa ilog.

Babalik (katinig na K) din kaagad ang palatuntunang Batibot matapos ang ilang patalastas.

3. Subukin, subukan

Ang subukin (to test one's ability) ay tingnan ang bias o kahusayan ng kanyang kaalaman o abilidad. Ang subukan (to try, to spy) ay manmanan o espiyahan o tingnan ang ginagawa ng isang tao o hayop.

Halimbawa: Susubukin ko ang galing ng aking mga kaklase sa pagtula.

Subukan mo kung sino ang sumisira sa ating mga pananim.

4. Ang D, L, R, S, T at B, P

Ang mga letrang ito ay hindi dapat makalimutan lalo na sa pagbuo ng tamang paglalapi (suffixes).

Ang PANG ay nagiging PAN kung ang salita ay nagsisimula sa D, L, R, S, T.

Halimbawa: Para sa pandalawahan ang upuang ito.

Panlalaki ang kasuotang Barong Tagalog.

Ano ba ang tawag sa kasuotang panrelihiyon ng mga Muslim?

Pansiyam ako sa aming magkakapatid.

Nasira ang aming silid-pantahanan dahil sa nagdaang bagyo.

Ang PAN ay nagiging PAM kung ang salita ay nagsisimula sa B at P.

Halimbawa: Pambahay ang suot ni ate ngayon.

Mahusay na pampatay ng lamok ang nabili kong likido.

* * *

Sa susunod na linggo, tatalakayin naman natin ang wastong gamit ng "opo" at "oho." Pati na kung kailan ginagamit ang "nang" at "ng," maging ang "kung" at "kong."

Mga bata, abangan ang susunod na kabanata!

ANG D

BARONG TAGALOG

DR. ORLANDO MAGNO

DR. VERONICA ABANGAN

HALIMBAWA

PUTULIN

RAQUEL BERCERO

ROMANA GERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with