David napa-wow sa emote ni Barbie!

Napa-“wow!” si David Licauco nang marinig ang sinabi ni Barbie Forteza patungkol sa kanya nang sabay silang ma-interview sa Star Awards ng PMPC. Sabi kasi ni Barbie, “Good things happen when you least expect it. For me, that’s David.”
Sagot ni David, “Wow!” at tumingin kay Barbie at nagngitian silang dalawa. Reaction ni Barbie sa sinabing ‘yun ni David ay “gulat ka ‘di ba?...”
May mensahe rin si David patungkol kay Barbie and in fairness, consistent ito dahil madalas niyang sabihin sa mga interview kapag napag-uusapan ang ka-love team.
“I have learned so much so much from you and such an amazing... love team ko, you are so patient & understanding so I really thank you.”
Anyway, tinanggap nina Barbie at David ang German Moreno Power Tandem Award sa katatapos na 38th PMPC Star Awards for TV. Bagay na ikinatuwa ng kanilang fans. Deserve raw ng BarDa ang nasabing award dahil marami silang pinapasaya.
Sa nasabi ring interbyu, kinumpirma ni Barbie na sasali siya sa Lights, Camera, Run (Takbo Para sa Pelikulang Pilipino) na project ng Mowelfund at si Alden ang namamahala. Sa May 11, 2025 sa Central Park, SM By the Bay sa SM Mall of Asia magaganap ang takbuhan to raise funds for the film workers.
Hindi nabanggit ni Barbie kung ilang kilometres ang kanyang tatakbuhin, feeling ng mga fans, kaya nito ang 5K. Sanay na sa takbuhan si Barbie dahil tumatakbo sa UP Diliman, sa Makati City, at ngayon sa Sta. Rosa, Laguna kasama si Alden.
Mommy ni Miguel, confirmed na ang kasikatan
Sumabak si Mommy Grace Tanfelix sa ‘Okay na Tour’ food trips. Na-share ng mom ni Miguel Tanfelix ang kanyang pag-iikot, suot ang signature headband habang kumakain ng street food.
Makikita si Mommy Grace na kumakain ng isaw at barbecue. Ganundin ng fish ball sa kanyang harap na nakalagay sa plastic glass. Sa isang naunang reels, makikita siyang nagbebenta ng siomai.
Sikat na talaga si Mommy Grace dahil may 3 million followers na siya sa Facebook na naaaliw sa kanya. Suportado ng kanyang pamilya ang rising social media career ni Mommy Grace. Minsan, si Miguel pa ang nagdidirehe sa video ng ina.
- Latest