^

Probinsiya

Mag-live in na suspek sa pagchop-chop sa babaeng PWD niratrat, 1 todas!

Cristina Timbang, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN JUAN, Batangas, Philippines — Namatay ang babae na isa sa mga suspek sa pag-chop-chop sa babaeng PWD (person with disabi­lity) sa Barangay Barualte, San Juan, Batangas matapos silang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa kanilang bahay kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang ginang na si Teodora Galora Galino, 53-anyos, habang sugatan at ginagamot sa ospital ang kinakasama nitong si Arcangel Armamento Patal, 53-anyos.

Ayon sa ulat ng San Juan Police, alas-10:51 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang dalawa nang biglang dumating ang apat na suspek at pinagbabaril sila ang dalawa gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek, na ayon sa report ng pulisya, dalawa sa kanila ay may katungkulan sa barangay.

Ang mag-live in partner ang sinasabing pangunahing suspek sa pag-chop-chop sa PWD na si Mary Jane De Los Reyes na natagpuan ang mga sunog na putol-putol na katawan na nakahalo sa mga ­inuling na kahoy ng mag-live in partner noong Disyembre 16, 2024. 

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawa suba­lit pinalaya rin matapos na walang naisampang kaso sa kanila.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with