Regine, nakipagbardagulan sa faney
Sinagot ni Regine Velasquez ang netizen na nag-comment ng “Lab nea yung fans nea pag concert.”
Sagot ni Regine, “When did I ever ask you for something I need?? Did I ask you for money? I invite you to watch my concerts sure but I’m not forcing you too. I ask if you can listen to my songs which are practically free hindi kita pinipilit kung ayaw mo walang problema sakin. Hindi naman kita pinilit na hangaan ako YOU decided to do that I didn’t ask you to. but you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sakin ano yun??? You have so much expectations of me you don’t even know me personally you just think you know me but you don’t. God bless you.”
Mixed ang reactions ng mga nakabasa sa post ni Regine. May pumabor sa kanya at may mga nagsabi namang hindi na dapat sinagot ni Regine ang comment dahil baka gustolang siyang magalit at mag-react na nangyari.
Saka, hindi pa siya na-stress dahil obvious daw na na-stress si Songbird sa comment na ‘yun.
Anyway, kahit may ganitong isyu kay Regine, pustahan, marami pa rin ang manonood ng kanyang “Reset” concert series happening on February 14, 15, 21 & 22 sa Samsung Performing
Arts Theater sa Circuit Makati City.
Ayun, mabili ang tiket sa concert series ni Regine kahit may bashers siya. Kahit P12,000 ang pinakamahal na tiket, mas una pang naso-sold out, kaya fake news ang mga nagsasabing hindi na siya sikat.
Dennis, pinakilig si Rita
Fan pala ni Dennis Trillo si Rita Daniela, kaya nang maka-duet ng singer-actress ang magaling na aktor sa All-Out Sundays, kilig-kiligan si Rita.
Sabi ni Rita sa kanyang post : Tinupad na namang muli ng @alloutsundays7 ang isa sa mga pangarap ko. Sinong mag aakala na makakasama ko siya sa isang entablado? Umawit pa nga ng isang kanta kasama siya.
Kabado po ako niyan the whole time. Ang hirap pala magpigil ng kilig at kaba kapag katabi mo ang idolo mo. I hope we made u proud, ate @mercadojenny.
Mismo ka talaga Lord! ILY my aos fam.”
May nagbuking kay Rita na maliit pa pala siya, crush na niya si Dennis, kaya hindi katakatakang kiligin ito ng sobra sa kanilang -duet.
Nag-guest si Dennis sa AOS to promote Green Bones, entry ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at co-producer ang Brightburn Entertainment owned by Dennis and Jennylyn Mercado.
Jam, biglang naging nega
Kung dati, kay Maris Racal galit ang mga netizens, ngayon kay Jamela Villanueva na at ito ay pagkatapos nang apology ni Maris Racal. Ibig sabihin, success ang interview na ‘yun kay Maris, sa kanya na kumakampi ang netizens ngayon.
Pero, matapang si Jamela dahil hindi ino-off ang comment box ng Instagram niya, hindi rin siya nagde-delete ng comment.
Kaya’t may Comment gaya ng sana raw idemanda si Jamela ni Maris, nagkakalat siya, at hindi pa raw asawa si Anthony parang asawa na siya kung maka-react. May nag-comment pa na deserve raw siyang iwanan at may nang-iinis pa at nagtanong kung bakit bigla siyang nanahimik.
May isa na sa sobrang galit, pinayuhan si Maris na idemanda si Jam ng patong –patong na kaso at pagbayarin daw ng danyos si Jamela. May tumawag kay Jam na clout chaser, gustong sumikat at may tumawag sa kanyang demonyo sa sobrang galit.
- Latest