Female singer, ‘di makarampa sa abroad!
Napapansin ng ilang music lovers na parang sa local scene lang nagko-concert ang magaling na female singer.
Eh halos lahat na yata ng OPM singers, may mga concert sa abroad especially ngayong holidays!
Pero itong magaling na female singer na sumikat dahil sa hit songs niya at hindi dahil produkto ng singing contests, nagkaroon pala ng problema sa isang concert niya sa abroad.
Nasita raw kasi si singer ng authorities dahil wala siyang working permit para mag-show. Hindi kasi nakuha ang permit before the concert, huh!
Eh nakakasa na ang concert. So pinakiusapan siya ng producers na mag-concert at sila na ang kakausap sa authorities!
Pero may dumating na authorities at hindi pinasalang si singer. Pinauwi siya sa hotel pati mga kasama at kinabuksan eh fly back to Pinas na si singer!
Naku, marami ganyang sitwasyon sa Amerika. Hindi alam ng source namin hanggang kailan banned ang singer sa abroad na pinuntahan!
MMFF, patok ang pakulo sa fans!
Tagumpay ang ginawang fans day/mediacon ng MMDA para sa 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Quantum Bay sa Gateway Malls!
Nagdatingan ang fans na sigawan nang makita ang idolo nilang may entry sa filmfest!
Siyempre, big hit si Juday (Judy Ann Santos) sa tao na matagal nang hindi nakita in public! Kasama niya ang producer at co-stars sa entry niyang Espantaho.
Hit na hit din sa kabataan ang FranSeth (Francine Diaz at Seth Fedelin) na ang MMFF entry naman ay My Future You.
Hindi man nakarating ang ilang bida sa 10 entries, kita sa mukha ng fans at taong nanood ang saya sa pakulong ito ng MMDA!
- Latest