Mga nagkanlong kay Quiboloy, kakasuhan na ng PNP
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na handa na silang kasuhan ng obstruction of justice charges laban sa mga indibidwal na hinihinalang nagkanlong kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ipinag-utos na ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil ang full investigation sa kaso para matukoy at mapanagot ang mga nagkanlong sa Pastor.
Binigyang diin nito na hindi makakatakas si Quiboloy sa mga tumutugis sa kanya nang walang tulong mula sa mga kasamahan at close associates nito.
Kabilang na rito ang mga legal representative na aktibong nanlinlang sa mga awtoridad hinggil sa kanyang eksaktong kinaroroonan.
Partikular na inatasan ni PNP Chief si Criminal Investigation and Detection Group Director Major General Leo Francisco na manguna sa isasagawang imbestigasyon at case build-up.
Nauna nang inihayag ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr na sinumang indibidwal na magkakanlong kay Pastor Quiboloy ay iimbestigahan at kakasuhan.
- Latest