^

PM Sports

Pangilinan nagbigay ng P10 milyon kay Yulo

Russell Cadayona - Pang-masa
Pangilinan nagbigay ng P10 milyon kay Yulo
Sina Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo at MVPSF chairman Manny V. Pangilinan.

MANILA, Philippines — Nagbigay ang Manny V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) ng P10 million bonus kay 2024 Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo para sa kanyang naibigay na karangalan sa Pilipinas.

Ayon kay Pangilinan, karapat-dapat ang 24-an­yos na gymnast sa nasa­bing bonus pati na ang suporta ng kanyang foundation sa iba pang national athletes.

“Since 2016, nandoon kami with Caloy (Yulo) and also with other athletes. But at the end of the day, sila gumawa, hindi kami. Credit belongs to them,” wika ni MVP kahapon sa meet and greet kay Yulo sa PLDT buil­ding sa Makati City.

Ayon kay Yulo, gagamitin niya ang nasabing bonus ng MVPSF sa kanyang paghahanda para sa 2028 Olympics sa Los Angeles, USA.

“Nagpapasalamat po ako kay sir MVP at sa MVPSF na naniwala sa amin from the start,” sabi ng tubong Leveriza, Malate. “Sana po patuloy ninyo po kaming suportahan papuntang LA Olympics.”

Inaasahang aabot sa P100 milyon ang ma­tatanggap na cash incentives ni Yulo kasama ang isang P32 million three-bedroom condominium unit sa McKinley Hill mula sa Megaworld.

Isang house and lot sa Tagaytay City ang bigay naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“I told Caloy, of course, to enjoy the moment and adulation. He deserves that, he deserves the rest,” ani Pangilinan.

Nasa okasyon din sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at MVPSF president Al Panlilio, Association of Boxing Al­liances of the Philippines (ABAP) chairman Ricky Vargas, MVPSF executive director Jude Turcuato at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) head Cynthia Carrion.

Binigyan din ng MVPSF ng P5 milyon si Cebuano coach Aldrin Castañeda na tumulong kay Yulo para makamit ang dalawang Olympic gold sa men’s floor exercise at vault.

Bukod kay Yulo, nagbigay din ang MVPSF, sumusuporta sa 19 pang national sports associations bukod sa gymnastics, ng tig-P2 milyon kina natio­nal boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas na sumuntok ng tig-isang bronze sa Paris Games.

Ang reward para kina Petecio at Villegas, parehong umuwi sa kanilang mga probinsya para magpahinga, ay tinanggap nina Vargas, national coaches Reynaldo Galido at Mitchel Martinez at ABAP secretary-general Marcus Manalo.

Ang mga national bo­xing coaches ay may gantimpala ring P1 milyon mula kay MVP.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with