CEBU, Philippines - In a statement sent to the media yesterday, basketball star and Kris Aquino’s husband James Yap finally spoke up on the issue surrounding his marriage. Kris already said in her show The Buzz that her marriage with Yap is over. But Yap, in this statement, tells Kris not to give up.
“Kilala niyo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko din itong lahat na issues na naglalabasan siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-aayos in private. Ever since naman, never niyo akong naringgan ng kung anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris. (You know me. I’m a quiet and simple person. I also think that all the issues that have surfaced should be ironed out by us, couple, and in private. Ever since, you’ve not heard anything from me regarding my marriage with Kris.)
“Kaya kunti lang ang gusto kong sabihin. Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat. (That’s why I’m making this statement short. I believe in the value of having a complete family. That’s why I’ll fight to keep my family with Kris intact whatever happens. I know that there’s no family that has not gone through this kind of trial. Kris and I have already been through a lot before and I don’t think that we should give up now.)
“Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino. (A lot of reports have come out already, but I have chosen to stay silent out of respect to our new President Noynoy Aquino.)
“May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa. (There have been questions as well why I did not show up at the inauguration of President Noynoy Aquino. We have already talked and I texted President Noynoy and he understands me. I don’t want to add any burden to the problems he’s already facing as president of this country.)
“At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay. (One thing more, I made a promise to Mom Cory that I would not neglect my family. That I would take care of Kris, Josh and Baby James. Kris and I also made a vow to Mom Cory not to separate.)
“Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat. (I know that what’s happening has been hard for my son, but I know in time, he will understand our situation.)
“Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin. (Baby James, I’m doing this because of my love for our family. I want our family to be whole.)
“Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko. (Kris, we’ve been through much bigger problems than this, but I’ve never let go. I’ve remained silent out of respect to our family, which up to now, I want to be complete. I really love you and our son, also Josh whom I treat like my own son.)
“Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!” (I repeat, and it’s final, I’m going to fight for our family. With God’s help, I know we will be able to survive this test to our marriage!)