^

Police Metro

Pahayag ni Jonvic, isang ‘smoking gun’- Imee

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Pahayag ni Jonvic, isang �smoking gun�- Imee
Interior Secretary Jonvic Remulla at a press briefing in Malacañan Palace on October 22, 2024
Philstar.com / Jean Mangaluz

MANILA, Philippines — Maituturing na “smoking gun” ang pagsisiwalat ni Interior and Local Government Jonvic Remulla hinggil sa isang “core group” na umano’y nagpaplano ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos, kasabay nang pangamba sa tinawag niyang “planado at labag sa Konstitusyon” na hakbang ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang pag-aresto sa dating  pangulo ng bansa.

“Ang pahayag ni Kalihim Jonvic Remulla ng Department of Interior and Local Government na ang umano’y planong pag-aresto ay base lang sa tsismis, ay hindi kapani-paniwala,” ani Marcos sa isang press briefing kahapon.

Ibinunyag din ni Marcos na sa kanyang paunang pagsisiyasat ay lumilitaw na nakapagpasya na ang pamahalaang Pilipino na tumulong sa International Criminal Court (ICC) sa pag-aresto kay Duterte, at nagsimula na ang pag­hahanda bago pa man ang Marso 11.

“Na-mobilize na ang mga yunit ng pulisya noong Marso 10 pa lamang. Si National Security Adviser Eduardo Año ay mino-monitor na ang kilos ni Duterte, at may mga opisyal ng ehekutibo na nagsabing makikipagtulungan ang administrasyon sa ICC sakaling dumaan sa Interpol ang kahilingan para sa arrest,” ayon kay Marcos.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with