Ginang timbog sa fake departure stamp sa NAIA 3
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang isang 37-anyos na ginang matapos na madiskubre na peke ang departure stamp sa kaniyang passport .
Ayon sa BI ang hakbang ay bahagi ng kanilang pinaigting na operasyon kaugnay ng commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuldukan ang human trafficking sa bansa.
Sinabi ni Mary Jane Hizon, Chief ng Immigration Protection and Border Enforcement Section, ang nasabing ginang ay patungo sa Netherlands ay nagprisinta ng kahina-hinalang departure stamp.
Base sa isinagawang forensic analysis ay kinumpirma ng BI na pineke lamang ang nasabing departure stamp ng nasabing babae.
Ikinatwiran naman ng ginang na humingi umano siya ng tulong sa isang ‘fixer’ sa lobby ng NAIA 3 na nangakong tutulungan siya sa proseso ng imigrasyon at nagbayad siya rito para mapabilis na makakuha ng departure stamp.
“These fixers will promise quick processing by circumventing laws. If you want to work abroad, do so legally and do not be enticed by these offers,” babala pa ni Viado.
- Latest