Sports heroes, leaders dadalo sa PSA Awards
MANILA, Philippines — Magniningning ang gabi sa pagdating ng mga kilalang personalidad, Olympians at mga sports leaders sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night na idaraos bukas sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Magkakaroon ng kinatawan ang mga Olympians na sumabak sa iba’t ibang edisyon ng Olympic Games para samahan ang mga top athletes na gagawaran ng parangal.
Darating din sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Kumpirmado na rin ang pagdalo ni International Olympic Committee (IOC) representative Mikee Cojuangco-Jaworski gayundin ni Sen. Bong Go na siyang chairperson ng Senate Committee on Youth and Sports sa event na co-presented ng ArenaPlus, Cignal at MediaQuest.
Dadalo rin sina PSC Commissioners Bong Coo, Edward Hayco, Fritz Gaston at Walter Torres kasama si PSC Executive Director Paulo Francisco Tatad.
Imbitado rin sina sports patrons in SMC president at Chief Executive Officer Ramon S. Ang at Metro Pacific Investments Corporation chairman at president Manny V. Pangilinan.
Darating din sina POC 1st Vice President Al S. Panlilio, secretary general Atty. Wharton Chan, mga National Sports Associations (NSAs) leaders, PBA chairman Ricky Vargas, PBA Commissioner Willie Marcial, San Miguel Corporation Sports Director Alfrancis Chua at PVL president Ricky Palou.
Magsisimula ang registration sa alas-5 ng hapon, habang ang program proper ay lalarga sa alas-7 ng gabi sa event na suportado ng PSC, POC, MILO, PLDT/Smart, Senator Go, PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Rain or Shine, Akari, at AcroCity.
Nangunguna sa listahan ng mga pararangalan si gymnast Carlos Yulo na bibigyan ng Athlete of the Year award.
- Latest