K-9 dogs inilatag sa NAIA vs cash smuggling
MANILA, Philippines — Naglagay na ang Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga K-9 unit na tutukoy sa mga pasahero na may bitbit na malalaking halaga ng cash.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa ang pagtatalaga ng mga K-9 dogs ay “pro-active measure” bunsod ng pagtaas ng insidente cash smuggling money.
Sinabi ni Mapa na may mga pasahero ang nahuhuling nagpupuslit ng malaking halaga ng pera at gustong ipuslit ito nang hindi idineklara ng maayos at gustong tumakas sa pagbabayad ng buwis.
Kamakailan lamang, isang babaeng Chinese national na pasahero ang nahuli ng security sa final check na may dalang mahigit sa US$10,000 na hindi idineklara dahil ito ay ilegal..
Ang deployment ng K-9 ay bahagi ng pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG).
- Latest