Kamara nagdeklara ng ‘full support’ kay Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Idineklara ng Kamara ang buong suporta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng pag-isyu ng “Manifesto of Support” kasabay ng pangakong gagawin ang mandato upang pigilan ang anumang pagtatangka ng destabilisasyon upang ibagsak ang gobyerno.
Sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, iprinisinta ng mga mambabatas ang House Resolution No. 277 kay Pangulong Marcos sa Christmas fellowship nitong Miyerkules ng gabi sa Malacañang matapos masampahan ng ikalawang impeachment complaint si Vice President Sara Duterte.
“Guided by the Philippine Constitution as the supreme law of the land, we, the Members of the House of Representatives of the Republic of the Philippines, reaffirm our unwavering commitment to defend the democratic institutions and sovereignty of our nation,” sabi sa manifesto.
Ayon kay Romualdez, ang manifesto na nilagdaan ng mga lider ng Kamara ay inisyu sa gitna ng mga naging banta ni Vice Pres. Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Marcos at ang panawagang pagkilos ng militar ni dating pangulong Rodrigo Duterte laban sa gobyerno.
“We categorically condemn any attempts to destabilize the government or subvert the administration’s programs aimed at advancing national progress. As mandated by the Constitution, we commit to mobilizing all legislative resources to safeguard the Republic against threats to its independence, security and peace,” nakasaad sa manifesto.
- Latest