^

Probinsiya

Bulacan Governor at Vice Governor, PSN paboritong basahin

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan Governor at Vice Governor, PSN paboritong basahin
Gov. Daniel R. Fernando and Vice Gov. Alex C. Castro
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil sa sobrang linis ng pagkakalimbag, di­senteng basahin, may mapupulot na aral, hitik sa makatotohang balita at tiyak na hindi “fake news” ang inilalathala araw-araw, naging paboritong basahin na ng dalawang pinakamataas na lider ng lalawigan ng Bulacan ang pahayagang Pilipino Star NGAYON (PSN).

Pagkagising pa lang sa umaga nina Bulacan Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alex C. Castro, ang dyaryong Pilipino Star NGAYON ang agad nilang tangan at inuunang basahin ang mga latest news sa pahinang Bansa habang sila ay humihigop ng mainit na kape.

Ayon sa dalawa, tanging PSN lamang ang pinagkakatiwalaang tabloid newspaper na kanilang binabasa sa araw-araw.

Siyempre Provincial page ang kanila ring hinahanap, ano pa nga ba eh ‘di ‘yong aking balita ang kanilang binabasa, saka isusunod ang iba pang mga balita mula front page hanggang sa Sports page.

Sa aking panayam sa dalawang “dad” ng Bulacan, sinabi nila na hindi pa sila pulitiko ay nakaugalian na nilang magbasa ng nangungunang pahayagang tabloid sa bansa, ang PSN.

Bukod sa napakadisente ng PSN sabi nila, may mga aral silang napupulot sa tuwing nagbabasa sila ng PSN.

Sabi pa nila sa akin, napakaayos at napakaperpekto ng pagkakalimbag ng PSN, madaling maintindihan ang konsepto ng mga balita, kahit isang elementary student ay kayang intindihin ang mga binabasa nilang balita dahil sa simpleng hagod ng mga manunulat o mamamahayag nito.

Sinabi nina Gov. Fernando at Vice Gov. Castro na hindi nakakasawang basahin ang PSN dahil sa pagiging disente nito at hindi nakakahiyang bitbitin kahit saan magpunta, sa palengke, bangko, grocery, ospital o kahit pa sa mga malalaking establishment.

Ayon pa sa gobernador, katuwang na rin ang PSN ng provincial government ng Bulacan sa pagbibigay ng impormasyon sa mga Bulakenyo sa mga programa at proyekto nito kabilang na rin ang pagbibigay ng abiso sa mga kalamidad, krisis pangkalusugan kabilang ng nagdaang pan­demya ng CO­VID-19, ang pamamahagi ng ayuda at pagpapatupad ng mga naaprubahang resolus­yon, ordinansa at resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Malaking bahagi ang PSN sa pang araw-araw na buhay ng mga Bulakenyo dahil sa paggising pa lang nila sa umaga ay tanging PSN lamang ang babasahing kabilang binabasa upang alamin ng mga latest news at kaganapan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa isang panayam naman kay Ka Emily, may-ari ng isang newsstand sa bayan ng Balagtas, ang PSN aniya ang palaging nau-

unang nauubos na diyaryo na kanyang inilalako dahil sa dami ng bumibili nito.

“PSN ang pinakamaraming binabagsak na diaryo sa ­aking newsstand pero ito pa rin ang palaging unang nauubos,” ayon kay Ka Emily.

Sa Bulacan, nangunguna pa ring tabloid ang PSN sa pinakapaboritong basahing pahayagan.

Mula sa Provincial Government of Bulacan at Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, binabati nina Gov. Fernando at Vice Gov. Castro ang PSN sa kanilang ika-39th taong anibersaryo.

Mabuhay ang PSN!!!

PSN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->