^

PM Sports

Cardinals bumawi sa Red Lions

Russell Cadayona - Pang-masa
Cardinals bumawi sa Red Lions
Ang dakdak ni Chris Hubilla ng Cardinals matapos makatakas sa depensa ng Red Lions.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Nilipad ng Mapua University ang ikaapat na sunod na panalo mula sa 58-55 pagresbak sa nagdedepensang San Beda University sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Patuloy ang pagsosolo ng Cardinals sa No. 2 spot tangan ang 10-3 baraha sa ilalim ng St. Benilde Blazers (10-2), habang nanatili ang Red Lions sa third place bitbit ang 8-5 kartada.

“Prepared kami talaga. Ang mindset namin talaga dadatnan namin na laro dito physical talaga. Ginawa lang namin iyong pinapagawa ng mga coaches namin,” ani Chris Hubilla na naglista ng 17 points, 9 rebounds at 2 assists kasunod ang 11 markers ni JC Recto.

Isinalpak ni Yam Concepcion ang isang three-point shot kasunod ang basket ni Recto para sa 57-51 abante ng Mapua sa huling 1:06 minuto ng fourth quarter.

Nauna nang nakalapit ang San Beda sa 51-52 sa likod nina Bryan Sajonia, Jomel Puno at Yukien Andrada.

Sa unang laro, dumiretso ang St. Benilde sa ikaapat na sunod na ratsada matapos ang 80-65 paggupo sa Jose Rizal University.

Umiskor si Ian Torres ng 16 points at humakot si Allen Liwag ng 12 mar­kers at 11 rebounds para sa patuloy na pagsolo ng Blazers sa liderato.

Bumagsak ang Heavy Bombers sa ikaapat na dikit na kamalasan para sa 3-9 marka katabla sa ilalim ang San Sebastian Stags.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with