^

PSN Showbiz

Actor at sexy star nagkatikiman sa taping, selosang gf nalusutan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakalusot si makisig na aktor sa selosang girlfriend kahit ang bongga ang pagbabantay nito.

Kasi naman, nung nakarating kay girlfriend na guest ang kilalang sexy actress sa regular soap ni actor boyfie, nagbantay ito sa taping ng ilang araw.

Ang tantiya ng aming source parang halos isang linggo raw nagbantay sa set ang GF. Hindi naman daw ‘yung talagang nagbabad, basta biglang dumarating na lang daw sa set para dumalaw at magtagal ng ilang oras si aktres.

Pansin na pansin ng mga staff dahil bakit magkakasunod na dumadalaw si selosang girlfriend.

Na-gets nilang parang nagbantay ito kay sexy actress, dahil kilala niya ang pagiging matulis ni makisig na aktor.

Pero ilang araw lang ‘yun. Nang lumaon ay wala na siyempre si girlfriend. Naging komportable na sa set sina makisig na aktor at si sexy actress.

Nagkakaroon na sila ng tsikahan sa set.

Habang tumatagal, dire-diretso na si sexy actress sa tent ni aktor at super tsikahan silang dalawa.

Kaya lang, nalaman ng ilang marites na source na ang madalas daw na tsika ni sexy actress kay makisig na aktor ‘yung mga experience raw niya sa sexy films na nagawa niya.

Detalyado ang pagkuwento ni sexy actress na parang tinotoo na raw ng ilang co-actor ang ginagawa sa kanya.

Minsan daw ay grabe kapag sinisibasib siya ng halik ng kaeksena niya.

Merong parang sinisipsip na raw ang nipple niya.

Parang nag-iinit na si makisig na aktor sa mga kuwento ni sexy actress.

Minsan sa set pa rin ng soap na ginagawa nila, nagpatawag na raw ng take si direk pagkatapos ng kanilang dinner.

Hindi makita si aktor, wala siya sa tent. Pero sabi ng PA nito, nasa van daw niya ito.

Kaya sinundo na ito ng staff sa kanyang van. Bumaba naman agad si aktor. Pero nasilip ni staff sa loob ng van ni aktor na nandun din si sexy actress.

Kaya lang, kailangan din pala sa eksenang kukunan si sexy actress.

Hindi na raw alam ni staff kung paano nakababa si sexy actress ng van, dahil hindi naman nito nakasabay si aktor na pumunta sa set na pagkukunan ng eksena.

Kaya malamang hindi pa ito nakarating sa selosang girlfriend.

Anak nila Ria, kamukha ni Zanjoe

Limitado ang kuwento ni Sylvia Sanchez kapag tungkol sa kanyang apo na pinag-uusapan.

Nakatsikahan namin si Sylvia sa media conference ng major concert ni JK Labajo na juan karlos LIVE na pino-produce ng kanilang Nathan Studios. Sa Nov. 29 na ang concert na gaganapin sa SM MOA Arena.

Ayaw na nga sanang magpa-interview ni Sylvia dahil gusto niyang ibigay ang moment na ‘yun kay JK.

Pero obvious namang natutuwa si Sylvia kapag apo niya ang pinag-uusapan pero ayaw niyang sagutin kung ano ang name nito. Ibigay raw niya ‘yun kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kung kailan ang face reveal at kung ano ang pangalan.

Ani Sylvia, “Sabi, ‘Mommy, hindi puwedeng ilabas na makita ‘yung mukha, hindi puwedeng sabihin ‘yung name, nirerespeto ko ‘yun. Sa kanila ‘yun e. Ibibigay ko sa kanila ‘yun.

“Pero ‘pag sinabi, ‘mommy puwede na i-reveal.’ Go! Maya-maya magpo-post ako ‘di ba?”

Nagbigay lang siya ng idea kung ano ang mukha ng kanyang first apo.

“Eto sinasabi ko sa kanila to. Kamukha ni Zanjoe na kulay ni Arjo,” bulalas niya.

Super shop si Sylvia ng mga gamit para sa apo niya.

Sa katunayan, bago pa man nabuntis si Ria ay may binili ng shoes si Sylvia para sa kanyang magiging apo.

“May shoes ako binili ko siya sa Cannes nung 2020. Binili ko ‘yung shoes na ‘yun wala pa akong apo. Pero hindi ko pa inilabas. Ilalabas ko soon.

“Sabi ko, ‘eto… unisex ang binili ko para kung babae, lalaki meron talaga.’ So, ibibigay ko ‘yun sa apo ko. So, noon pa lang, 4 years ago bumibili na ako,” sabi ni Sylvia.

Pero bilib daw siya kina Zanjoe at Ria kung paano sila mag-alaga sa kanilang baby.

“Ay naku! Kung makita n’yo lang si Ria… ayaw niya magtrabaho, ayaw niya lahat muna ngayon. Tutok muna siya sa bata. Ako kasi nung ipinanganak ko sila, siyempre trabaho din ako.

“Sabi ko, ‘nak, lahat ng time at atensyon, ibigay n’yo. Huwag ka magkulang, ibigay mo lang,’” sabi pa niya.

vuukle comment

AKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with