^

PSN Palaro

Roll ball tatalakayin sa TOPS 'Usapang Sports'

Philstar.com

MANILA, Philippines -- Masinsinang aalamin ang pinagmulan at kapasidad ng roll ball bilang isang sports para sa mga atletang Pilipino sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) "Usapang Sports" bukas sa VIP Room ng Rizal Memorial Stadium sa Malate,Manila.

Tatalakayan ang pinakabagong sport na kinahuhumalingan ng mga kabataang Pinoy sa lingguhang sports forum sa alas-10:30 ng umaga sa pakikipagtulungan ng Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission (PSC).

Pamumunuan ni Philippine Roll Ball Association (PRBA) president Tony Ortega ang mga opisyales ng asosasyon upang maipaliwag ang konsepto ng sports at kung nababagay para sa talento at kapasidad ng atletang Pinoy.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Meraña ng Pilipino Star Ngayon/PM Pang Masa ang mga opisyales at miyembro gayundin ang mga sports aficionados na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa official Facebook page TOPS Usapang Sports gayundin sa Bulgar FB page at sa Channel 8 ng PIKO (Pinoy Ako) – ang pinakabagong mobile apps network na libreng mada-download sa inyong Android mobile phone.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with