^

Bansa

VP Sara kay ‘Mary Grace Piattos’: No comment

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara kay âMary Grace Piattosâ: No comment
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Tumanggi si Vice President Sara Duterte na magbigay ng komento kaugnay kay “Mary Grace Piattos.”

Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ng bise presidente na hindi pa niya nakikita ang mga dokumento kung saan makikita ang pangalan ni Piattos, bilang isa sa mga tumanggap ng confidential funds mula sa kanyang tanggapan.

Paliwanag ni Duterte, ang mga kinukwestiyong liquidation documents ay hindi dumaan sa kanyang tanggapan at sa halip ay direktang isinusumite sa Special Disbursement Officer ng OVP na si Gina Acosta, at sa Inspection and Control of Fund Audit Unit ng Commission on Audit (COA).

Taliwas ito sa mga pahayag ng testigo sa panel ng House good government.

Wala rin umanong alam ang bise presidente kung paano ­iprinoseso ang dokumento at isinumite sa Kamara.

Una nang tinukoy ng House panel ang mahigit sa 1,200 kahina-hina­lang acknowledgment receipts na isinumite ng OVP sa COA upang bigyan ng justification ang ginawang paggastos sa P125-M confidential fund noong 2022.

Karamihan umano sa mga ito ay hindi mabasa ang mga pangalan habang ang iba ay pareho ang sulat-kamay. Ilang ulit din umanong lumitaw ang pangalan ni Piattos sa ilang kuwestiyonableng dokumento.

Nag-alok naman na ang mga mambabatas ng P1 milyong pabuya sa kung sinuman ang makapagtuturo sa tunay na pagkakakilanlan ni Piattos.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with