Pinakamaraming naipasang panukala naitala ng Kamara
MANILA, Philippines — Naitala ng Kamara ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala.
Sa bilang na ito 1,368 ang naaprubahan kung saan 166 ang naging batas - 73 national laws at 93 local laws.
Sa 13,454 panukala, 11,241 ang bills, 2,212 resolusyon, at isa ang petisyon. Nasa 1,319 committee report din ang nahain.
Sa 178 session days, naiproseso ng Kamara ang 4,760 panukala o average na 12 panukala kada sesyon.
Nagsagawa rin ng imbestigasyon ang Kamara upang mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na mali ang ginagawa. Pinagtibay nito ang siyam na committee report mula sa mga isinagawang imbestigasyon, na nagpatibay sa pagiging isang guardian ng public trust ng Kamara.
“We are not just legislators; we are guardians of public trust. Every inquiry conducted, every recommendation adopted, ensures that governance is rooted in integrity and service to the people,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Ang kolaborasyon ng Kamara sa Senado ay isa rin umanong susi sa naging tagumpay nito.
Sa pagpasok ng Kamara sa huling yugto ng 19th Congress, nangako si Romualdez na ipagpapatuloy ang ginagawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
- Latest