^

PM Sports

Galeries tower bagsak sa Zus Coffee

Russell Cadayona - Pang-masa
Galeries tower bagsak sa Zus Coffee
Hinatawan ni Thea Gagate ng ZUS Coffee si Andrea Marzan ng Galeries Tower.
PVL photo

MANILA, Philippines — Dumiretso ang ZUS Coffee sa ikalawang sunod na panalo matapos walisin ang Galeries Tower, 25-22, 25-16, 25-19, sa 2024-24 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pumalo si Chinnie Arroyo ng 14 points mula 11 attacks, dalawang service ace at isang block para sa 2-1 baraha ng Thunderbelles.

Nagdagdag si Chai Troncoso ng 11 markers, habang may siyam at tig-pitong puntos sina Thea Gagate, Jovelyn Gonzaga at Michelle Gamit, ayon sa pagkakasunod.

“Ang nasa mindset lang namin is kailangan tuluy-tuloy lang kami at hindi mag-stop,” ani Arroyo.

Bagsak ang Highrisers sa 0-4 marka.

Itinakas ng ZUS Coffee ang 25-22 panalo sa first set at inilista ang 17-8 bentahe sa second frame.

Naputol ito ng Gale­ries Tower sa 14-17 matapos ihulog ang isang 6-0 bomba.

Muling nakalayo ang Thunderbelles sa 24-16 kasunod ang kill block ni Gamit kay Dimdim Pacres para ibaon ang Highrisers sa 2-0.

Muling rumemate ang ZUS Coffee sa 20-12 kalamangan sa third set habang nakalapit ang Galeries Tower sa 17-21 sa likod ng pagbibida nina France Ronquillo at Jho Maraguinot.

Kumamada naman si Troncoso para itaas ang Thunderbelles sa 24-17 bago tapusin ni Cloanne Mondoñedo ang laro.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with