^

Metro

Scammers’ gamit ang Arsobispo at Obispo sa Bicol sa panghihingi ng donasyon — CBCP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko hinggil sa mga pekeng account sa social media ng dalawang arsobispo na ginagamit upang makapanlinlang sa panghi­hingi ng donasyon gamit ang dahilan na para ito sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Ibinahagi ng Archdiocese of Caceres sa CBCP website ang isang screenshot ngayong linggo ng isang pekeng Facebook account gamit ang pangalan at larawan ni Archbishop Rex Andrew Alarcon

Pinayuhan ng archdiocese ang publiko na iulat ang account bilang mapanlinlang at huwag patulan ang nasabing account dahil hindi nagso-solicit ang Arsobispo sa pamamagitan ng personal social media.

“The archbishop does not solicit funds, personal information, or any private communication through his personal social media,” ayon sa archdiocese.

Nabatid na ang official accounts ni Alarcon at ng archdiocese ay “clearly identified and verified, ayon sa CBCP.

SCAMMERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with