^

Punto Mo

Quad committee ­targetin kaya ang BOC officials?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

SUNUD-SUNOD ang pananalasa ng mga bagyo sa Pilipinas na nagdulot ng kahirapan at paglaganap ng iba’t ibang uri ng sakit dahil sa baha. Ang mga bukirin, ilog at karagatan ang nasalanta nang husto na pinagmumulan ng pagkain ng mga maralitang Pilipino kaya nagtaasan ang presyo ng mga gulay, isda at karne.

Maging ang mga lutong pagkain sa bangketa ay biglaan din ang naging pagtaas ng presyo na nakaapekto sa budget ng mga estudyante at ordinaryong obrero na karampot lamang ang suweldo. Nakakainis namang isipin na sa kabila ng ganitong kalagayan, laganap pa rin ang palusutan ng iligal na kontrabando sa Bureau of Customs. Patuloy pa rin ang masamang gawain ng service providers na akala mo’y lehitimong customs brokers na kakutsaba ng BOC officials. May “tara” pa rin kasi!

Malalim ang koneksyon ng mga “hao-siao” na service provider na kung turingan ay “players” sa Aduana na nagpapapirma lamang ng dokumento at umaarkila ng lisensiyadong warehouses. O baka naman mismong BOC insiders ang iba, di kaya?

Bumubulaga pa rin ang bulto ng bilyones na halaga ng natitimbog na ukay-ukay, sigarilyo, canned goods at agricultural products tulad ng carrots, sibuyas, bawang at gulay na natitimbog sa labas ng bakuran ng BOC. Anong ginagawa ng examiners at bakit nakalabas? Sampolan mo nga CIIS Director Verne Enciso!

May natitimbog pa ring bawal na droga ang law enforcers ng BOC na naihahalo diumano sa regular na kargamento. Malamang na hihingian ng paliwanag ni House quad committee on dangerous drugs chairman Ace Barbers ang opisyales ng BOC kapag nagkataon. Explain lang! Kahit sa regular na kargamento, puwede rin kasing makagawa ng teknikalidad na paraan sa pagitan ng BOC insiders at lehitimong customs brokers para makinabang kahit konti. Kaya may nakakasingit!

Ito nga marahail ang dahilan kung bakit pinili ni Saint Matthew ang maging apostol ni Hesukristo kaysa maging makasalanang tax collector. Ipagdasal natin na mamulat sa aral ni Saint Matthew ang mga tauhan ni BOC Commissioner Bien Rubio. Imposible ba?

BOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with