Suspek sa road rage, nakabaril sa LTO exec, sumuko
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang negosyanteng itinuturong suspek sa pamamaril sa Land Transportation Office assistant district chief sa Calapan City, Oriental Mindoro at dalawang negosyante, isa sa mga ito ang nasawi, ang iniulat na sumuko sa mga awtoridad, kamakalawa.
Isinuko sa National Bureau of Investigation-Mimaropa headquarters sa Oriental Mindoro si Alvin Salazar, 48, business partner ng kanyang kapatid sa furniture trading, kasama ang kanyang ina, kamakalawa bandang alas-5:30 ng umaga ayon kay Lt. Col. Roden. Fulache, hepe ng Calapan City.
Inamin umano ni Salazar ang kanyang krimen sa isang panayam na isinagawa ng mga imbestigador ng pulisya sa custodial facility ng NBI, gayunpaman, hindi pa siya nagsagawa ng hudisyal na pag-amin.
Sinabi ni Salazar sa mga mbestigador na siya ay nagtago at nanatili at gumala mula sa iba’t ibang lugar mula noong dalawang araw pagkatapos ng krimen.
Sinabi ni Fulache na nagpasya si Salazar na sumuko sa tanggapan ng NBI matapos siyang himukin ng kanyang ina na sumuko sa mga awtoridad.
Magugunita na nauwi sa mainitang pagtatalo ang isinagawang checkpoint inspection ng LTO sa suspek hanggang sa humantong sa pamamaril sa LTO assistance chief Gerardo Garcia at dalawang negosyante, isa rito ang may-ari ng tindahan na si Angeles Marasigan, 85 na nasawi dahil sa mga ligaw na bala at pagkasugat ng may-ari ng motorcycle shop na si Bernaldo Diño Jr. sa Barangay Canlubing 1 sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Huwebes.
- Latest