Liza, may bagong manager na?!
Nilaglag na talaga si James
Kinumpirma na ng management group ni James Reid, Careless, na wala na sa kanilang pamamahala si Liza Soberano.
Sa isang Instagram story ng Careless kahapon ay sinabi nilang wala na sa kanila si Liza since July.
“Liza Soberano is no longer under Careless Music Management effective July 29, 2024.
“It has been a pleasure to have represented her and we wish her the best in all of her endeavors,” buong laman ng kanilang short statement.
Halos dalawang taon ding naging Careless baby si Liza.
Maaalalang malaking isyu noon ang pagpirma ni Liza ng management contract sa itinayong kumpanya ni James kung saan sinabi pa niyang excited siyang magtrabaho sa isang kumpanya na bibigyan siya ng “creative freedom and control.”
Kasabay noon ng kontrobersya sa pag-alis ni Liza sa manager niyang si Ogie Diaz at pagkaungkat sa usapin ng talent fee.
Anyway, ayon sa usap-usapan, matagal na raw nagkakaproblema ang communication nina James and Liza. Hindi rin diumano nagustuhan ni Liza ang statement ni James kamakailan na may chance silang magsama sa pelikula.
Ang kuwento, pipirma sa isang malaking talent management group sa US ang former Kapamilya star.
- Latest