^

PSN Showbiz

Kontrabidang aktres hindi apektado ang akting kahit lasengga

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mabuti na lang at hindi naaapektuhan ang pag-arte ng isang nagkokontrabidang aktres sa sobrang hilig niyang uminom ng alak kahit nasa linya siya ng pagtatrabaho.

?Ayon sa aming mga impormante, kung sa ibang artista lang daw mangyayari ang ganu’n ay siguradong mawewengweng siya, lasheng na lasheng at makakaapekto ‘yun sa pagsasalita niya.

?Pero magaling pa rin siyang umarte, diretso pa rin ang kanyang dila sa pagdadayalog, kabog pa nga niyang maglitanya ang mga hindi naman umiinom.

?Unang kuwento ng aming source, “Ganu’n pala si ____(pangalan ng maga­ling na character actress)? Malakas pala siyang uminom? At take note, ha? Hard ang iniinom niya!

?“Ibang-iba ang vitamins ng girl na ‘yun, kailangan niyang uminom para okey ang delivery niya ng lines niya, hindi naman siya nangangamoy lasing dahil bago siya humarap sa mga camera, e, nagma-mouthwash siya,” manghang-manghang kuwento ng aming source.

?Puwede ring nasanay siya sa pag-inom dahil matagal na panahon siyang nanirahan sa isang nagyeyelong bansa. Dala-dala na niya ‘yun ngayon kesehodang napakainit ng klima dito sa atin.

?“Wala naman siyang ibinibigay na problema sa production, nagagawa niya ang lahat ng nasa script, nakainom man siya, e, hindi mo ‘yun mahahalata dahil magaling siyang umarte. Lumilipad ang katarayan niya, di ba?

?“Parang ang sarap-sarap niyang sapakin dahil kinakawawa niya ang bidang kaeksena niya. Lasing pa siya nang lagay na ‘yun, ha? Paano pa kaya kung hindi siya nagnonomo-nomo, di lalo na?

?“Naitataob niya ang isang bote habang nagtatrabaho siya, hard drinker ang lola n’yo, pero hindi naman siya nangdadamay sa ginagawa niyang pag-inom. Malinis siyang umarte.

?“Heto na. Nag-aalala lang ang mga miron dahil baka mamaya, e, mag-jamming sila ng isa pang aktres na mahilig sa pag-inom. Matindi rin sa alak ang aktres na ‘yun, kaya baka isang araw, e, makita na lang silang nakatihaya dahil napasobra ang pag-inom nila!

?“Oh, mother, tagalugin n’yo na lang ‘yun, huwag naman sana! Huwag na huwag naman sanang mangyari ‘yun!” pagtatapos ng aming napapailing na source.

Janine bugbog na sa fans ni Alden and Maine

Nakakaawa naman si Janine Gu­tierrez. Ang tanging kasalanan lang ng magandang young actress, kung kasalanan ngang maituturing ‘yun, ay ang tanggapin ang seryeng pinagbibidahan ni Alden Richards.

?Ang pagiging leading lady lang ng Pambansang Bae sa Victor Magtanggol ang desisyong ginawa niya, pero ang magiging kapalit pala nu’n ay kaliwa’t kanang upak sa social media, kaya pansamantalang pinagpahinga ni Janine ang kanyang Twitter account.

?Kung puwede lang sigurong ibalik ni Janine ang panahon ay hindi niya tatanggapin ang alok ng GMA-7 dahil ang makakapalit pala nu’n ay ang pangwawasak sa kanyang career at pagkatao.

?Lahat na ng pinakamasasakit na salita ay ipinatikim kay Janine ng mga taong kumokontra sa tambalan nila ni Alden, puro pintas ang kanyang inaabot, samantalang bulag lang ang magsasabing hindi maganda ang anak nina Monching at Lotlot.

?Pero walang pinalalampas ang kanyang mga bashers, nang ipahinga niya ang kanyang Twitter account ay sa Instagram naman siya inuupakan ngayon, araw-gabi siyang pinipintas-pintasan at pinagbibintangang uhaw sa kasikatan kaya ginusto niyang makatambal si Alden.

?Siguradong ang aktor na ang humihingi ng pasensiya kay Janine sa ganyang klase ng indultong inaabot ng dalaga. Nakakahiya nga naman ‘yun kay Rayver Cruz, ang boyfriend ni Janine, dahil sa kung anu-anong negatibong paglalarawan ng mga bashers sa aktres.

?Napakasimple pa naman ni Janine Gutierrez, walang masamang tinapay para sa kanya, tahimik lang siya at siguro nga ay puro iyak na lang ang ginagawa niya ngayon.

vuukle comment

JANINE GU­TIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with