^

Metro

Lacuna nagpasalamat sa ayuda ni Pangulong Marcos, DHSUD sa mga nasunugan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD) head, Secretary Jerry Acuzar, sa pagkakaloob ng kanyang kahilingan na matulungan ang libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo.

Ani Lacuna sa mga pamilyang nasunugan, si Pang. Bongbong Marcos at Sec. Acuzar ang dapat nilang pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa pangangailangan ng Manilenyo na nagdaranas ng matinding pangangailangan dahil kapos sa pinansiyal ang Maynila bunsod ng binabayarang P17.8 bilyong utang sa mga bangko ng nakalipas na adminsitrasyon.

“Ako po ay hindi mahihiyang manghingi para sa inyo.  Gagawin at gagawin natin ‘yan,” ani Lacuna sa pagkakaloob ng financial assistance mula sa DHSUD, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Manila city go­vernment.

Nagbigay ang DHSUD ng emergency shelter support sa 2,006 pamilya  na nawalan ng tirahan na tig-P30,000, na ang 1,014 dito ay naitalang may totally-damaged houses sa Aroma, Tondo, sakop ng Barangay 106.

Nakatanggap din ang apektadong pamilya ng tig-P10,000 mula sa Manila city government bukod pa sa P10,000 mula sa  DSWD, nang aprubahan ang request ni Lacuna.

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga recepients na kung magtatayo ng bahay nila ay tiyakin na walang maiiwang mga basura  na nakakalat at hintayin ang pagdating ng garbage collector.

DHSUD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with