^

PSN Opinyon

Pag-aresto kay Duterte at mga kilos-protesta

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KALIWA’T KANANG protesta ang isinasagawa ng supporters ni dating President Duterte matapos arestuhin noong Marso 11 sa NAIA sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crime against humanity. Si CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III ang nanguna sa pag-aresto sa kahi­lingan ng Interpol.

Nagkaroon ng 12 oras na standoff bago tuluyang na­isakay sa eroplanong naghatid sa The Netherlands ang dating­ Presidente. Ayaw siyang bitawan ng kanyang pa­milya at iba pang dati niyang Cabinet officials. Subalit ginawa ni Torre ang lahat para maisakatuparan ang iniatang na tungkulin.

Si Duterte ay nahaharap sa mga kasong pagpatay na nangyari noong 2011 hanggang 2016 na siya ay mayor pa ng Davao City. May mga kaso rin ng extrajudicial killings (EJKs) na isinampa sa kanya noong siya na ang Presidente ng bansa habang ipinatutupad ang marahas na kam­panya laban sa illegal na droga.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa 6,000 ang mga biktima ng EJKs pero ayon sa human rights group, posibleng nasa 30,000 ang mga napatay nang ipatupad ang “Oplan Tokhang”.

Sa mga nangyaring pagpatay, maraming beses iniha­yag ni Duterte na siya ang responsible sa mga naganap na police operation. Inaako niya ang mga nangyari at siya lang daw ang dapat managot.

Muli na naman niyang inulit na inaako ang responsibi­lidad sa mga nangyari nang makarating sa The Hague. Ipinresenta na si Duterte sa ICC prosecutors noong Biyernes (Marso 14) at ang sunod na pagdinig sa kanyang mga kaso ay magaganap sa Setyembre 23, 2025. Mayroon nang mga abogado si Duterte na magtatanggol sa kanya.

Mula nang dalhin sa The Netherlands si Duterte ay nag­sagawa na ng mga kilos protesta ang kanyang supporters sa Luzon, Visaya at Mindanao. Hinihiling nila na ibalik si Duterte sa bansa. Ayon sa mga supporters, illegal ang pagkakaaresto kay Duterte. Wala na raw hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas sapagkat kumalas na ito noong 2019.

Ayon sa mga nasagap kong balita, may mga hakbang na umanong isinasagawa ang mga kaalyado ni Duterte upang sampahan ng kaso ang mga responsable sa pag-arresto at pagbiyahe sa dating Presidente sa The Netherland.

Kasabay niyan, napag-alaman ko rin na naghahanda ang PNP sa pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato”dela Rosa na isa rin sa sinampahan ng kaso sa ICC. Maaring lumabas na rin sa lalong madaling panahon ang arrest warrant laban kay Bato. Nagpapasaklolo naman si Bato sa Senado.

Abangan.

RALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->