^

Police Metro

Hakbang ni Pangulong Marcos sa pagbaba sa presyo ng bigas suportado ng ATeacher Partylist

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang kaniyang suporta sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bawasan ang presyo ng bigas sa bansa ng aabot sa P6.00 hanggang P7.00 sa mga susunod na buwan dahil sa maagang pagpapatupad ng pinababang taripa sa bigas.

Ayon kay Rodriguez, magkakaroon na ng abot kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at iba pang mga pangangailangan, partikular na ang mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng mga inisyatibong isinasagawa ng kasalukuyang admi­nistrasyon.

Ayon kay Rodriguez, ang programang balak niyang ihain sa Kongreso ay isang krusyal na ­inisyatibo na naglalayong mabawasan ang gastos ng mga produktong agrikultural, at idinagdag pa na ang programa ay nakatuon sa paggawa ng mga organic fertilizer at pagpapatupad ng makabagong pamamaraan sa agrikultura.

Nagpasalamat naman si Rodriguez sa mala­king suportang natanggap mula sa mga estudyante at organisasyon ng kabataan, na nagresulta sa pagtaas ng ratings ng ibang independent surveys at kasalukuyan ay isa ang ATeacher partylist sa mga nangunguna sa mga poll surveys.

Nangako si Rodriguez na isusulong ang isang batas na magbibigay sa mga magsasaka ng mga makabagong kagamitan at pagsasanay sa paggamit ng organic fertilizers upang umani ng pananim at mapababa ang presyo ng mga bilihin.

PARTYLIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->