^

PSN Palaro

Quiambao nagkaroon ng injury sa KBL debut

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkaiba ang naging debut nina UAAP stars Kevin Quiambao at JD Cagulangan sa Korean Basketball League kahapon.

Nagkaroon si Quiambao, ang two-time UAAP Most Valuable Player ng La Salle Green Archers, ng isang right foot injury sa 7:42 minuto ng second quarter at hindi na nakabalik sa 57-84 kabiguan ng kanyang tropang Goyang Sono Skygunners laban sa Seoul SK Knights.

Bumagsak ang kanang paa ni Quiambao sa paa ng kanyang bantay matapos ang three-point attempt ng Gilas Pilipinas member sa 7:42 minuto ng second period kung saan naiwanan ang Skygunners sa 29-30.

Kaagad nilapatan ng lunas ang nasabing injury ng dating Green Archers superstar at hindi na muling ibinalik sa laro.

Impresibo naman ang KBL debut ni Cagulangan matapos magtala ng 7 points, 9 assists, 5 steals at 4 rebounds sa 63-78 kabi­guan ng kanyang koponang Suwon KT Sonicboom sa Seoul Samsung Thunders.

Samantala, humataw si dating Fighting Maroons star forward Carl Tamayo ng 31 points sa 86-82 panalo ng Changwon LG Sakers kontra sa Anyang JKJ Red Boosters.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with