Anthony isinalpak ang game-winning triple
HOUSTON — Kumonekta si Anthony Edwards ng isang step-back three-point shot sa huling 23 segundo ng laro para gabayan ang Minnesota Timberwolves sa 113-112 paglusot sa Rockets.
Tumapos si Edwards na may 24 points para sa Minnesota (16-14), habang may 27 markers si Julius Randle.
Humakot si Alperen Sengun ng season-high 38 points bukod sa 12 rebounds para sa Houston (21-10) na nagtapos ang four-game winning streak.
Inilista ng Rockets ang isang 12-point lead sa fourth period bago maghulog ang Timberwolves ng isang 10-0 bomba tampok ang 3-point play ni Edwards para sa kanilang 110-108 bentahe sa huling 1:30 minuto.
Ang free throw ni Sengun ang nagbigay sa Houston ng 112-110 abante kasunod ang tres ni Edwards para sa 113-112 kalamangan ng Minnesota.
Bigo si Fred VanVleet sa kanyang 3-point attempt sa huling posesyon ng Rockets.
Sa Denver, naglista si Donovan Mitchell ng 33 points sa 149-133 pagtusok ng Cleveland Cavaliers (27-4) sa Nuggets (16-13).
Sa Boston, nagpasabog si Jaylen Brown ng season-high 44 points, kasama ang anim na tres sa 142-105 pagmasaker ng nagdedepensang Celtics (23-8) kontra sa Indiana Pacers (15-7).
Sa New Orleans, tumipa si Jaren Jackson Jr. ng 33 points sa 132-124 pagkagat ng Memphis Grizzlies (22-10) sa Pelicans (5-27).
Sa Orlando, naglista si Jalen Brunson ng 26 points at may 23 markers si Josh Hart sa 108-85 paggupo ng New York Knicks (21-10) sa Magic (19-14).
- Latest