Gerald nilinaw ang past nila ni P, ‘di pa alam kung ok na sila ni B, kontrobersya kay aktres m sa kwintas nakalimutan!
Ahh malakas na tawa lang ang sagot ni Gerald Anderson nang pag-usapan ang kanyang ‘past’ sa The Men’s Room ng One News PH hosted by Janno Gibbs and Stanley Chi na tumi-trending sa social media.
Una ngang tinanong sa kanya si B kung ok na ba sila.
Walang diretsahang mention ng Bea Alonzo pero common knowledge naman na kontrobersyal ang nangyaring hiwalayan sa kanila ng ex girlfriend na actress.
Aniya : “Hindi ko masagot ng 100%... pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na ‘nun eh. Ayun lang,” pag-amin ng aktor matapos parang mag-isip ng isasagot.
Taong 2019 nung naghiwalay sila dahil sa diumano’y ghosting. Antagal bago nawala ang nasabing kontrobersiya.
Nang tanungin naman siya sa tungkol sa mainit nung intriga rin sa kanila ni letter P, ang sagot naman ng aktor ay : “Ang tagal naman ‘nun…Chismis lang ‘yun.”
Wala ulit banggit ng pangalan pero alam nang lahat sa showbiz na si Pia Wurtzbach ang tinutukoy na nakatambal niya sa pelikulang My Perfect You.
Diumano’y nagkaroon sila ng maiksing relasyon noon ng dating beauty queen na misis na ngayon ng travel influencer na si Jeremy Jauncey.
Diumano’y ito ang rason ng unang hiwalayan nila ni Bea noon pero nagkabalikan sila hanggang naghiwalay ulit.
Noong 2021 ay inilantad ni Gerald at Julia Barretto ang kanilang relasyon matapos ang kontrobersya sa diumano’y ghosting nga ng actor kay Bea.
Pero ba’t kaya hindi naitanong kay Gerald kung totoo ang kontrobersya noon tungkol sa isang mahusay na actress na si M na diumano ay binigyan niya ng necklace pero na misinterpret daw ng actress.
Nagkasakitan pa raw ang dalawa pero ‘di nilabanan ng actor. Hindi natuloy noon ang pagsasamahan nilang teleserye.
Kasi pwede ring sinagot ni Gerald ito kung totoo ito o hindi.
Claudine, umatras sa mga panlilibak sa kwalipikasyong hinahanap na assistant
Ahh naka-disable na ang comment section ni Claudine Barretto sa post niya na naghahanap ng personal assistant.
Maraming negative reaction sa nasabing post ng actress na : “palanggas pls help me find pwedeng stay in na secretary,Personal assistant na sana sanay sa puyatan at very masipag,ma respeto .better if yung Personal assistant may experience din sa accounting.yung every Friday i rereport how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit yung money.take care of the schedule ko at mga bata.also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganun po talaga sa shootings/tapings.yung masipag,alerto,multitasker gaya ko po.at important very neat & organized.pls pray na tamang tao sng makukuha ko to be an assistant.pls send you’re bio data/resume,NBI CLEARANCE.kindly send all requirements to [email protected] to hear from all of u the soonest please pray for the perfect personal assistant/accountant.”
Marami ngang nag-nega na parang hindi tao ang hinahanap niya kundi isang machine.
Samantala, wala nang sinabi si Claudine kung ano bang naging sakit niya at na ospital siya kamakailan.
Possible raw kayang nasa menopausal lang ang actress?
Concert ni Ogie, mabilis naubos ang ticket
Sold out na ang OgieOke 2 Reimagined na gaganapin sa Newport World Resorts sa Nov. 30.
Ipinost nga ni Ogie Alcasid na sold out na ito.
This time kasi ay makakasama ng King of OPM ang BINI bilang guest.
Matapos nga ang napakalaking tagumpay ng OgieOke noong nakaraang taon, ang beteranong singer-songwriter ay dodoble sa saya, tawanan, at walang aatrasang karaoke favorite.
At ang mga dadalo raw ay maaaring kumanta ng kanyang mga classic hit tulad ng Bakit Ngayon Ka Lang at Nandito Ako, na ginawang mas madaling sabayan.
Nauna nang nabanggit ni Ogie na mabilis niyang napa-oo ni Ogie ang BINI sa OgieOke 2.
“In fairness to them, hindi sila sumingil sa akin. Parang ang sabi sa akin, ‘bahala na kayo,’” banggit niya.
“Baka ‘yung pang-shopping (na binigay) ko, ‘yun na ‘yun,” biro pa ng OPM singer na ang tinutukoy ay nang i-treat niya ang mga ito sa isang cosmetic store sa Amerika.
“But no, of course, we allotted talent fee for them,” pahabol naman niya.
- Latest