Drama sa ating bayan, hanggang NBI na!
Malapit na talaga ang Pasko. Feel mo na sa simoy ng hangin at sa kilos ng mga tao.
Kaya wish ko na matapos na ang kaguluhan sa pulitika ng ating bansa.
Ramdam naman natin na ginagawa ni Pangulong Bongbong ang lahat upang maging masaya ang ating Pasko pero ‘yun nga, may mga nangyayaring hindi maganda lalo na ang death threat.
Nakakalungkot ‘yung mga ganun.
Sana naman ay maghinay-hinay si VP Sara sa kanyang mga binibitiwang mga salita. Siyempre, pangalawang pangulo siya ng bansa at hindi magandang may ganung isyu na kalat sa buong mundo.
Maayos naman ang naging umpisa nina PBBM at VP Sara kaya nakakagulat in a way na umabot sa pagbabanta ang mga sinasabi ng ating pangalawang pangulo.
Pero nakakaloka na malabo atang mangyari na maging maayos ang lahat dahil ipapa-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara bilang bahagi ng imbestigasyon nito sa kanyang mga pananalita laban kina Pangulong Marcos Jr., First Lady Lisa at Speaker Martin Romualdez.
Sa isang briefing ng Palasyo, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Andres na isang subpoena ang ibibigay sa Bise Presidente sa lalong madaling panahon.
“Dahil po diretsuhan niyang sinabi na siya po ay kumuha na ng tao na siya pong gagawa ng pagpatay hindi lang po sa Pangulo, kasama po ang ating First Lady at ang ating Speaker of the House ay hindi po tamang pananalita na nanggagaling po sa napakataas na opisyales ng ating bayan,” sabi ni Usec Jesse.
Nakakaloka. Basta ako love ko forever si PBBM at damang-dama ko ang maaayos niyang pamamahala sa ating bayan.
- Latest