Daniel, inaabangan ang pagbangon sa pelikula
Makagawa kaya ng pelikula si Daniel Padilla na kikita rin nang malaki? Kahit hindi isang bilyon.
O sakaling buhayin ang KathNiel, umabot din kaya ng isang bilyon ang kita kung sakali?
Pero sa totoo lang, importante talaga ang kuwento o ganda ng pelikula na makaka-relate ang mga manonood upang pilahan ang pelikula.
Sa ngayon, kapwa sina Alden Richards at Kathryn ay nakalagay sa isang sensitibong posisyon. One wrong move, apektado sila.
Kung iisipin mo, sina Daniel at Maine Mendoza ang nakalagay ngayon sa mas matibay na status, kasi maaari pa silang magkamali at walang papansin doon.
Samantala, mayroong naglabas ng comparable table sa pagitan nina Kathryn at Julia Montes. Kasi kung natatandaan ninyo, sina Kathryn at Julia ang magkasabay na sumikat doon sa ginawang remake ng seryeng Mara Clara, na unang napasikat nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Walang duda na sa ngayon mas matagumpay talaga ang career ni Kathryn kaysa kay Julia.
Kung tungkol naman doon sa tsismis na mag-asawa na sila ni Julia at Coco Martin mula pa noong 2011 at may dalawa na diumano silang anak. At huwag na ninyong pakialaman iyon. Hayaan na lang ninyong sila ang magsabi kung kailan nila gustong sabihin kung totoo man iyon o hindi.
Bakit ba noong araw, common knowledge naman sa showbusiness na may anak nga si FPJ - sina Ron at si Lovi na magkaiba rin ang nanay, may nakialam ba nung hindi niya sabihin? Nalantad na lang naman iyan noong wala na si FPJ at nag-artista si Lovi at maging sikat na DJ din si Ron Poe na anak ng dating aktres na si Ana Marin. Si Lovi naman ay anak ni FPJ sa kanyang leading lady sa pelikulang Kapag Puno na ang Salop na si Rowena Moran. Kapwa sila pinalaki ng kanilang mga ina bilang single parent. Pero in private, kinikilala naman ni FPJ ang mga tunay niyang anak.
Kaya walang isyu kina Coco at Julia. Buhay nila ‘yan at prerogative nila kung ayaw nilang aminin na diumano’y meron na silang anak.
Opisyal ng gobyerno, nababaliw sa aktor na berde ang dugo
Sa ngayon, talagang nababaliw daw si honorable sir sa male starlet na si TT. Para siguradong kuntento at hindi siya iiwan ni TT, panay ang trips nila sa abroad kahit na pasaglit-saglit lang, kaya pala si Sir hindi nakakapunta madalas sa mga “hearing” at ibinili na rin niya ang kanyang kulikadidang ng isang townhouse na nagsisilbi ring lovenest nila dahil nang lumipat naman doon ang starlet ay hindi niya isinama ang kanyang pamilya.
Para rin wala nang angal ang kulukadids kung ipapatawag man niya, ibinili na niya iyon ng isang luxury car, at ang sabi bibigyan pa raw ng isang utility vehicle.
Pero ok lang naman iyon dahil wala namang hawak na “confidential funds” si sir kaya malabong magaya siya sa iba.
Ang nakakatakot lang, papaano kung matuklasan na ni sir na ang kanyang nilalangit ay badinger Z ding kagaya niya?
- Latest